Ex-police chief itinumba
June 22, 2004 | 12:00am
IBA, Zambales Isang retiradong opisyal ng pulisya na kasalukuyang aktibo bilang government operative sa ilalim ng Presidential Anti-Organize Crime Commission ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakikilalang sibilyan sa loob mismo ng bahay nito sa Barangay Bangantalinga, Iba, Zambales kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Zambales Provincial Police Office (ZPPO) director Sr. Supt. Wilson Victorio, kinilala ang napaslang na biktima na si retired Chief Inspector Roger Asuncion, 42, residente ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi noong Linggo habang nagpapahinga si Asuncion sa loob ng bahay kasama ang kanyang asawa nang pasukin ng tatlong hindi kilalang armadong sibilyan at walang habas na pinagbabaril ang biktima.
Ayon sa deskripsyon ng ilang testigo, isang babae at dalawang lalaki sakay ng motorsiklo ang mga killer.
Si Asuncion ay dating chief of police ng San Antonio-PNP sa Zambales, bago ito nagretiro noong nakaraang taon at nanguna sa pagsalakay sa safehouse ng isang malaking grupo nang gun-running syndicate sa Subic, Zambales kung saan dito nasamsam ang samut saring malalakas na uri ng armas. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am