29 mag-aaral,3 guro nalason sa spaghetti
June 22, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput siyam na batang mag-aaral at tatlong guro ang na-ospital matapos na malason sa kinaing spaghetti sa birthday party na kanilang dinaluhan sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, eksaktong recess ng mga bata bandang alas-10 ng umaga nang kumain ng spaghetti sa Western Central School sa Pasukin, Ilocos Norte.
Ilang oras matapos kumain ng spaghetti ang mga biktima ay nakaranas ang mga ito ng matinding pagkahilo, matinding sakit ng ulo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.
Mabilis namang isinugod sa Governor Roque Ablan Memorial Hospital sa Laoag City ang mga biktima upang malapatan ng lunas.
Nabatid na ang mga biktima ay naimbitahan lamang sa isang handaan malapit sa kanilang paaralan.
Kasalukuyan na ring ipinasusuri sa mga kinatawan ng Department of Health (DOH) sa lungsod ang mga sample ng nasabing pagkain upang alamin kung ito nga ang nakalason sa mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended