Paslit tinakpan ng unan ng adik na tiyuhin
June 22, 2004 | 12:00am
SAN PEDRO, Laguna Tinakpan ng apat na kilong unan hanggang sa mamatay ang paslit na lalaki ng sariling tiyuhing adik makaraang mairita ang huli sa kaiiyak ng bata noong Sabado ng gabi sa Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.
Tinangkang isugod pa sa Narra Lying-in Hospital ang biktimang si Laurence Sison, subalit hindi na umabot ng buhay.
Napag-alaman sa ulat, ang biktima ay may palatandaan ginulpi bago patayin ng suspek base sa pagsisiyasat ng doktor sa naturang hospital.
Dinakip naman ng mga barangay tanod bago dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Eric Emperado, 18, ng nabanggit na barangay. Itinanggi naman ng suspek ang krimen, bagkus, itinuro ang kanyang utol na si Albert ang pumaslang sa biktima.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na ang biktima ay inihabilin ng ina sa kanyang utol (suspek) upang magtrabaho bilang guest relation officer (GRO) sa Carmona, Cavite.
Base sa salaysay ng pinsan ni Eric na si Nyo-Nyo, ilang ulit na pinalo ng kahoy ang bata ng suspek para tumahan sa kaiiyak, subalit lalong umiyak ang biktima hanggang sa takpan ng makapal na unan na ikinasawi nito.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kina Eric at Alberto, base sa testimonya ng mga kasamahan ng suspek sa naturang lugar. (Ulat ni RMA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am