Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, magpahanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung nasawi nga sa sagupaan si Hapilon matapos na masabat ng Armys 6th Infantry Division (ID) ang grupo nito noong Hunyo 1 sa kagubatan ng Palimbang, Sultan Kudarat.
"Bagaman may mga ulat na patay na si Hapilon ay hindi pa natin ito puwedeng kumpirmahin hanggat di nakikita ang kanyang bangkay at walang testigo," ani Lucero.
Base sa report, ang bangkay ni Hapilon ay inilibing na umano sa isang magubat at bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Sultan Kudarat.
Si Hapilon, isa sa mga top wanted na ASG leader ay sangkot sa serye ng kasong kidnap-for-ransom (KFR) ay may patong sa ulong P5 milyon na inilaan ng pamahalaan at karagdagang $1 milyon mula naman sa Estados Unidos.
Magugunita na nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng militar sa Sitio Makabinbang, Brgy. Molon Maitum sa bayan ng Sultan Kudarat ng makasagupa ang grupo ni Hapilon na ikinasawi ng dalawa sa mga kalaban at ikinasugat ng lima pa nitong tauhan. (Ulat ni Joy Cantos)