4 Indian nat'l, dakip sa human smuggling
June 20, 2004 | 12:00am
Apat na Indian national na hinihinalang miyembro ng isang notoryus na human smuggling syndicates ang naaresto ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard (PCG) habang naglalayag sa karagatan ng Zamboanga City kamakalawa.
Sinabi ni Lt. Armand Balilo, Public Information Officer (PIO) ng PCG ang mga dayuhang suspek na sina Suichwinder Sing, 38; at Gill Kamal Jeet Sing, 28; ay nasakote habang naglalayag lulan ng barkong M/V Cotabato Princess ng Sulpicio Lines Inc., sa karagatan ng Zamboanga City patungo sa Maynila kamakalawa ng umaga.
Samantala, dinakip din ang dalawa ng mga kasamahan nito na susundo sa kanila sa Pier 12 ng North Harbor, Manila na nakilalang sina Joginder Singh at Jhonny Amrti Singh.
Nabatid na agad binantayan ng mga awtoridad ang nasabing mga Bombay dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga ito kung saan ay nadiskubreng isa lamang ang ticket ng mga ito para sa cabin No. 8 at wala ang mga itong maipakitang dokumento na legal ang kanilang pagbisita at pananatili sa bansa.
Nakuha mula sa mga ito ang kanilang mga pasaporte na nakatago sa kanilang mga sapatos at ditoy nakitang nakasaad na ang kanilang point of entry ay sa Thailand at mula Abril 10 hanggang Mayo 10, 2001 na lamang ang kanilang mga pasaporte bilang mga turista.
Nakatakda nang sampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Immigration (BID) ang mga suspek at patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga suspek sa illegal na pagpasok sa Pilipinas. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am