^

Probinsiya

Indian trader hinoldap,pinatay

-
CAMP AGUINALDO – Masaklap ang sinapit ng isang 50-anyos na negosyanteng Indian national, matapos itong holdapin ay sinaksak pa hanggang sa mapatay nang manlaban ang biktima sa dalawang holdaper sa Sta. Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rab Lubhaya, residente ng Executive Homes, Continental House sa Matina, Davao City.

Agad namang nasakote ng mga elemento ng Army’s 6th Infantry Division (ID) sa follow-up-operations matapos na itip ng driver ng motorsiklo na si Timothy Butuyan na nakakita sa pangyayari, ang mga suspek na sina Abraham Diga at Irish Capulo; pawang residente ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon nang marekober ng 25th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Ronnie Fuentes ang bangkay ng biktima ilang minuto matapos itong paslangin ng mga suspek.

Nabatid na ang panghoholdap ay naganap matapos maningil ng biktima ng kanyang mga pahulugan sa kahabaan ng Crossing Kalawagan, Brgy. Darong, Sta. Cruz, Davao del Sur dakong ala-1:30 ng hapon.

Nang tumanggi at manlaban ang biktima ay ginulpe ito ng mga suspek na di pa nakuntento ay inundayan ito ng sunud-sunod na saksak na di pa nakuntento ay tinangay pa sa pagtakas ang motorsiklo ng Bombay.

Agad namang nagresponde ang mga sundalo at nasakote ang dalawang suspek kung saan ay nabawi sa mga ito ang P4,000.00 cash na hinoldap sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

ABRAHAM DIGA

CONTINENTAL HOUSE

CROSSING KALAWAGAN

CRUZ

DAVAO

DAVAO CITY

EXECUTIVE HOMES

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

IRISH CAPULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with