Scooter vs dyip: 1 patay, 1 grabe

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang 20-anyos na binata ang iniulat na nasawi habang ang kasama nitong babae ay malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong dyip ang scooter ng mga biktima sa San Jose City-Lupao Road na sakop ng Barangay Sto. Niño 1st sa lungsod na ito kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Michael Karl Brandes ng Vivar St., Brgy. Calaocan, samantalang si Eleonor Aguirre ng Brgy. Abar 1st ay nakikipaglaban kay Kamatayan. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng dyip (CRN-477) na si Leo Ormilla ng Brgy. Gonzalo, San Quintin, Pangasinan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments