2 katao timbog sa kasong rape
June 16, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon Dalawang lalaki na pinaniniwalaang nang-rape sa 17-anyos na estudyanteng babae ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya kamakalawa sa Barangay Ibabang Dupay ng lungsod na ito. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina: Ferdinand Gahol ng Sta. Maria, Laguna at Raymund llagas, retiradong Navy at naninirahan din sa nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon nina: SPO4 Teresita Cruzado at Edna Santiago, ang biktima ay dinala sa bilyaran saka isinagawa ang maitim na balak bandang alas-7:30 ng gabi. (Ulat ni Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended