Drayber tinodas ng kaalitan

NUEVA ECIJA – Isang 37-anyos na bus driver ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng kapitbahay na nakaalitan ng biktima sa Barangay Calaba, San Isidro, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Binistay ng bala ng riple ang katawan ni Reynaldo Ortiz, samantalang tinutugis naman ang suspek na si Bernardo Magno, alyas Boy Pako, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagkainitan ang dalawa makaraang pagtalunan ang isyung quarrying sa kanilang barangay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments