PUJ sa Tarlac nagtaas na rin ng pasahe
June 15, 2004 | 12:00am
TARLAC CITY Maging ang mga pampasaherong dyip na may maikling ruta sa lungsod na ito ay nagtaas na rin ng pasahe partikular na ang mga traysikel na kalimitang mga pasahero ay estudyante.
Aabot sa P5.50 kada pasahero ang sinisingil ng mga drayber ng "3M" jeepneys sa rutang mula sa ilang bahagi ng Barangay Maliwalo at Matatalaib patungo sa Camp Gen. Francisco Makabulos.
Ayon sa ulat, ang kahabaang binabagtas ng mga pampasaherong dyip ay aabot lamang sa 10 kilometro at nakagawian na ng mga drayber na singilin ang mga pasahero na hindi inalintana ang distansya.
Bago ang fare hikes, naniningil na ng P10 ang aabot sa 15,000 traysikel kada pasahero sa distansyang tatlo hanggang limang kilometro sa naturang lungsod. Ngayon P15 na ang singil sa bawat pasahero.
Itinaas na rin ang pasahe ng mga pampasaherong mini-bus na bumibiyahe sa 17 munisipalidad. Isinabay ang pagtataas ng pasahe habang idinaraos ang Independence Day noong Sabado. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended