Rapist ng estudyante timbog

LIMAY, Bataan – Isang 32-anyos na lalaki na pinaniniwalaang humalay sa 15-anyos na estudyanteng babae ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya sa Sitio Pag-asa, Barangy Lamao, Limay, Bataan kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Rodrigo Sael, may-asawa, walang trabaho. Sa ulat ng pulisya, dalawang ulit na hinalay ng suspek ang biktima simula noong Pebrero 10 hanggang Hunyo 7, 2004. Dinakip ang suspek sa pamumuno ni SPO4 Rodrigo Valerio. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments