^

Probinsiya

Kinidnap na guro itinapon sa dagat

-
COTABATO CITY – Isang retiradong public school teacher na kinidnap ng notoryus Pentagon kidnap-for-ransom syndicate ang itinapon sa karagatang sakop ng Balabagan, Lanao del Sur dahil hindi nagbayad ng P5-milyong ransom ang pamilya ng biktima, subalit naisalba ng mga mangingisda kamakalawa.

Sinabi ni Senior Inspector Bahnarin Kamaong, spokesman ng pulisya sa nasabing lungsod, ang biktimang si Domingo Cubita ay dinukot may dalawang buwan na ang nakalilipas at muling nakasama ng kanyang pamilya sa tulong na rin ng mga lokal na opisyal ng Balabagan, Lanao del Sur.

Sa salaysay ni Cubita sa mga awtoridad, ang grupo ng Pentagon ay naglalayag patungo sa Lanao del Sur mula sa Maguindanao sakay ng pumpboat para iwasan ang tumutugis na tropa ng militar at pulisya nang magdesisyon ang sindikato na itapon na lamang siya sa dagat.

"Wala namang maibigay na P5-milyon ransom ang pamilya ng biktima dahil retiradong pampublikong guro lamang si Domingo," ani ng kaanak ng biktima.

Ayon pa sa ulat, Nagkataon naman may mga Maranaw na mangingisda ang naglalayag din sa nasabing karagatan kaya namataan siyang lulutang-lutang at agad na nailigtas. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AYON

BALABAGAN

CUBITA

DOMINGO

DOMINGO CUBITA

ISANG

JOHN UNSON

LANAO

MAGUINDANAO

SENIOR INSPECTOR BAHNARIN KAMAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with