Pinatay dahil sa alak
June 7, 2004 | 12:00am
TIAONG, Quezon Isang 48-anyos na magsasaka ang binaril at napatay ng kanyang nakababatang kapatid habang ang mga ito ay nagtatalo kung sino sa kanilang dalawa ang malakas uminom ng alak, kamakalawa ng hapon sa Barangay Behia ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .38 sa dibdib ay nakilalang si Cesar Ramos y Mitra, may-asawa ng nabanggit na barangay. Tumakas naman ang suspek na si Mansueto, 30, binata ng nasabi ring lugar.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Rivera, may-hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon ay pinagtutulungang inumin ng magkapatid at ilan nilang kaibigan ang bote ng gin kaugnay ng kapistahan ng kanilang barangay.
Nang malasing ang magkapatid ay nagpayabangan ang mga ito kung sino sa kanila ang malakas uminom ng gin.
Kapwa iginigiit umano ng magkapatid na pareho silang malakas sa alak hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng diskusyon ay binunot ng suspek mula sa kanyang beywang ang kalibre .38 revolver saka pinaputukan at napatay ang panganay na kapatid. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 45 minutes ago
By Cristina Timbang | 45 minutes ago
By Tony Sandoval | 45 minutes ago
Recommended