11 adik pumuga sa rehab center
June 3, 2004 | 12:00am
MALINAO, Albay Labing isang kalalakihan na pinaniniwalaang adik sa droga ang iniulat na pumuga mula sa Regional Drug Rehabilitation Center makaraang makalingat ang kanilang guwardiya sa Barangay Comon ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa nakapuga ay nakilalang sina: Jeric Maranan, Paul Alba, Froilan Andre Jovellanas, Philip Remando, Rene Buenviaje, Jovito Agdoro, Roderick Chua, Furtuno Dimaculangan, Jonathan Poot, Teodosio Vuelbo at Suzuki Nakamura.
Bandang alas-8:15 ng gabi nang isagawa ng mga adik na pumuga makaraang samantalahing pumasok ang guwardiya kasama ang dalawa pang adik sa loob ng selda.
Ayon sa ulat, nagkanya-kanyang pulasan papalabas ng bakod ng nasabing rehabilitation at hindi na nakuha pang pigilin ng guwardiya.
Dahil sa pangyayari ay agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pulisya at barangay tanod upang tumulong na masakote ang mga adik.
Mabilis namang nasakote ang siyam, subalit sina Poot Remando ay tinutugis pa hanggang sinusulat ang balitang ito.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga adik at pinaniniwalaang planado ang isinagawang pagpuga. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Cristina Timbang | 18 hours ago
By Tony Sandoval | 18 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am