Onsehan sa droga: Mag-utol pinatay
June 3, 2004 | 12:00am
TACURONG CITY May posibilidad na onsehan sa droga ang pangunahing dahilan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-utol na dating kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng mga kasamahan sa sindikato sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng hapon.
Kinilala ni Col. Jerry Jalandoni, deputy brigade commander ng 604th Brigade, ang mga biktimang sina: Maguid Baginda, 45 at nakababatang kapatid na si Tarsila, 40 at kapwa residente ng nabanggit na bayan.
Ayon kay Jalandoni, ang magkapatid ay binaril ng tatlong ulit ng mga nakamotorsiklong armadong lalaki dakong alas-3:30 ng hapon sa liblib na bahagi ng Mamali, Lambayong, Sultan Kudarat.
Wala namang masilip na motibo ang mga kagawad ng pulisya, subalit sa paunang sinabi ni Jalandoni, ang mag-utol ay pinaslang dahil sa onsehan.
Ibinase ni Jalandoni ang pahayag sa nakalap na impormasyon na ang mag-utol ay natutunugang kasabwat sa cattle rustling at pagtutulak ng droga.
Idinagdag pa ni Jalandoni na ang mag-utol na Baginda ay sangkot din sa serye ng kidnapping sa Sultan Kudarat.
"Siguro nagka-onsehan sa partehan ng kita nila kaya ayun pinatay sila ng kasama nila. Double cross ang nakikita naming anggulo sa ngayon. Posibleng partehan sa droga o sa cattle rustling," ani Jalandoni. (Ulat ni Ramil Bajo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am