Kabilang sa mga Koreano na nailigtas ay nakilalang sina: Jang Young Jin, 31; Jan Young Gin, 33; Jan Young Use, 29; Jang Donjang, 30; Jang Um Che, Sangtaon Gulang; Um Young Ueng, apat na taong gulang at Jang Gen Noo.
Kasama rin sa nailigtas sina: Clent Huavalo, Michael Hinampas, Obet Beholikao, Renante Loayan, Enelito Loayan, Selestino Loayan, Julita Loayan, Alona Manlangit, Eduardo Gonzaga, Waring Gonzaga, Glen Gonzaga, Mercy Galonia, Orlando Galonia, Mitchelle Galonia, Cherry Lou Hudaval at Richard.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Armys 4th Infantry Division spokesman Lt. Col. Felicisimo Budiongan, nakatanggap ng impormasyon ang mga kagawad ng pulisya sa Jasaan na may sakunang naganap sa naturang karagatan.
Agad naman nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng 4th ID Riverine team sa pulisya para mapadali ang responde.
Hindi naman nabigo ang mga awtoridad sa mabilis na responde kaya naman nasagip agad ang mga biktima mula sa lumubog na bangka. (Ulat ni Joy Cantos)