^

Probinsiya

24-katao nailigtas sa lumubog na bangka

-
CAMP AGUINALDO – Dalawampu’t apat na sibilyan kabilang na ang pitong Koreano ang iniulat na nailigtas ng mga awtoridad makaraang balyahin ng malakas na alon ang sinasakyang pump boat ng mga biktima na tuluyang lumubog habang naglalayag sa karagatanag sakop ng Agutayan Beach, Jasaan, Misamis Oriental kamakalawa.

Kabilang sa mga Koreano na nailigtas ay nakilalang sina: Jang Young Jin, 31; Jan Young Gin, 33; Jan Young Use, 29; Jang Donjang, 30; Jang Um Che, Sangtaon Gulang; Um Young Ueng, apat na taong gulang at Jang Gen Noo.

Kasama rin sa nailigtas sina: Clent Huavalo, Michael Hinampas, Obet Beholikao, Renante Loayan, Enelito Loayan, Selestino Loayan, Julita Loayan, Alona Manlangit, Eduardo Gonzaga, Waring Gonzaga, Glen Gonzaga, Mercy Galonia, Orlando Galonia, Mitchelle Galonia, Cherry Lou Hudaval at Richard.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Lt. Col. Felicisimo Budiongan, nakatanggap ng impormasyon ang mga kagawad ng pulisya sa Jasaan na may sakunang naganap sa naturang karagatan.

Agad naman nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng 4th ID Riverine team sa pulisya para mapadali ang responde.

Hindi naman nabigo ang mga awtoridad sa mabilis na responde kaya naman nasagip agad ang mga biktima mula sa lumubog na bangka. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUTAYAN BEACH

ALONA MANLANGIT

CAMP AGUINALDO

CHERRY LOU HUDAVAL

CLENT HUAVALO

EDUARDO GONZAGA

ENELITO LOAYAN

FELICISIMO BUDIONGAN

GLEN GONZAGA

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with