Trader tinodas ng biyudo

IMUS, Cavite Isang 56-anyos na trader ang iniulat na binaril at napatay ng isang 45-anyos na biyudo makaraang umawat sa away sa Barangay Malagasang 2-E ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa UMC Hospital ang biktimang si Maria Espiritu, samantalang ang suspek na agad tumakas ay nakilalang si Lamberto Villanueva ng nasabi ring lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Jude Camitan, naganap ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi matapos na hadlangan ng biktima ang pag-aaway ng mag-utol na Villanueva. Dahil sa pakikialam ng biktima ay nagalit ang suspek at pinaputukan ang negosyante na ikinasawi naman nito. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments