1 patay, 2 grabe sa road mishap

CABANGAN, Zambales – Isang 43-anyos na sibilyan ang iniulat na nasawi, samantalang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang kotse sa highway na sakop ng Barangay Apo-Apo, Cabangan, Zambales noong Huwebes ng hapon. Nakilala ang biktimang namatay na si Nathaniel Sarne ng Brgy. San Juan, San Narciso, Zambales. Ginagamot naman sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital sina: Ruben Tan, 50, trader at residente ng Lapu-Lapu St., Caloocan City at Teodirico Ocquia, 31, ng Brgy. Tunhac-Famy, Laguna. May palagay ang pulisya na inantok ang isa sa dalawang drayber ng kotseng Mitsubishi (CBF-690) na patungong Sta. Cruz, Zambales at Toyota Revo (WHS-917) na patungo naman sa Maynila. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments