Dyip hulog sa bangin:3 patay

LIPA CITY – Tatlong sibilyan na kumpirmadong nasawi habang anim naman ang nasugatan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang owner-type jeep na sinasakyan ng mga biktima sa Sitio Tagbakin na sakop ng lungsod na ito kahapon.

Kabilang sa namatay ay nakilalang sina: Arnel Sangalang, Mikaela Busangilan at isa naman kinilalang Aiko, ayon sa ulat ng pulisya.

Ginagamot naman sa Mary Mediatrix Medical Center ang sugatang sina: Ian Saguising, Rodelio Santos, Elvira Saguising, Sarah Mangahas, Mirachell Busangilan at Arsenia Saguising na pawang residente ng San Nicolas, Hagonoy, Bulacan.

Ayon kay Supt. David Quimio, Lipa police chief, nawalan ng kontrol ang dyip (DGZ-726) na minamaneho ni Arnel kaya bumusulok sa may 100 metrong lalim na bangin. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments