Army dedo, 5 pa grabe sa granada

ZAMBOANGA CITY – Isang tauhan ng Army Special Forces ang kumpirmadong namatay habang lima naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa loob ng Camp Arturo Enrile sa Barangay Malagutay noong Martes ng madaling-araw. Hindi naman agad nakilala ang nasawing kawal kabilang na ang limang kritikal na ginagamot ngayon sa Camp Navarro General Hospital. Isa sa biktimang grabeng nasugatan ay unang dinala sa Zamboanga City Medical Center ay nakilalang si Reynaldo Basco. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumangging magbigay ng detalye ang kasamahan ni Basco maliban sa sinabing ang naganap na pagsabog ay aksidente. (Ulat ni Roel D. Pareño)

Show comments