10 katao timbog sa shabu

Sampung sibilyan kabilang na ang dalawang kilabot na tulak ang kumpirmadong nasakote ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakasunod na operasyon sa Perpetual Village, Bacoor, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina: Patricio Apostol, Joy Lopez, Zaldy Alba, asawang si Joy; Richard Macaraeg, Lovelane Palma, Raul Encarnacion, Violeta Enriquez, Jayson Lacson at Arnold Ipol. Nakumpiska kay Apostol ang P12,000 ng shabu at kalibre .22 baril, samantalang kay Lopez ay nasamsam naman ang P36,000 shabu. Ayon kay PDEA-Task Force Hunter Chief Reynaldo Jaylo, ang mga suspek ay dinakip habang nagpa-pot session. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments