Ex-vice mayor ng Bulacan nilikida
May 23, 2004 | 12:00am
HAGONOY, Bulacan Maagang kinalawit ni Kamatayan ang dating bise alkalde ng Calumpit, Bulacan makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihang nakamotorsiklo habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng sariling bahay sa Barangay San Juan sa bayang ito kahapon ng umaga.
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at tatlo sa katawan ang tumapos sa buhay ni Arthur Garcia, 54, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid sa ulat na si Garcia ay nagsilbing vice mayor ng Calumpit simula noong 1998 hanggang 2001 bago naging masugid na tagasuporta ng nanalong mayor ng Calumpit na si James de Jesus.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na bandang alas-6:30 ng umaga nang lumabas ng bahay ang biktima para pakiusapan ang kilalang kapitbahay na bumili ng kailangang pansarili.
Hindi nakalalayo ang pinakiusapang kapitbahay ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima.
Sa inisyal na pagsisiyasat, tiniyempuhan lang na lumabas ang biktima sa sariling bakuran bago isagawa ang pamamaslang.
Napag-alaman pa sa mga kapitbahay na walang sinumang nakagalit ang biktima kaya naman may teorya ang pulisya na may bahid na pulitika ang naganap na krimen.
Ang tatlong mamamatay-tao ay agad na tumakas sakay ng motorsiklong walang plaka habang nagsagawa na ng malawakang pagtugis ang mga pulisya.
Sinisilip din ang anggulong baka may kinalaman ang makakaliwang grupo sa naganap na pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest