8 kritikal sa ambus
May 19, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Walong sibilyan ang grabeng nasugatan makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf ang sinasakyang pampasaherong dyip ng mga biktima sa Barangay Lantawan, Basilan kamakalawa.
Kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang mga biktima na sina: Sabirin Sapilin, driver; Japal Injal, konduktor; Sapari Haji, Jul Matarul, Roy Bernedo, Said Isik, Anna Isik at Junie Kutoy.
Nabatid na ang mga biktima ay kasalukuyang lulan ng pampasaherong dyip habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Baunigis, Lantawan, Basilan dakong alas-6:30 ng umaga nang ratratin ng mga nakaposisyong bandido.
Pinaniniwalaang ang panibagong pag-atake ng mga bandido ay upang maghasik ng sindak sa mga residente ng Basilan matapos ang ilang buwang pananahimik sa pagkakalagas ng malaking puwersa ng Sayyaf at magkakasunod na pagkakaaresto sa kanilang mga lider.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga elemento ng Armys 18th Infantry Battalion (IB) laban sa grupo ng mga nagsitakas na bandido.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa naganap na pananambang sa mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest