^

Probinsiya

3 barangay natabunan dahil sa landslide

-
LEGAZPI CITY – Tatlong barangay sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes ang iniulat na natabunan ng makapal na putik sa naganap na landslide habang patuloy ang malakas na buhos ng ulan na dulot ng bagyong "Dindo."

Ang barangay Sicmil, Sioron at isa pang barangay sa nabanggit na bayan ang kasalukuyang minomonitor ng mga awtoridad sa anumang kaganapan.

Lahat ng komunikasyon at elektrisidad ay naputol, maging ang transportasyon patungo sa tatlong barangay ay hindi madaanan ng anumang sasakyan.

Wala pang ulat na may nasawi o sugatang residente sa tatlong barangay dahil na rin sa walang daanan ang grupo ng rescue team.

Aabot naman sa 9, 847 pasahero ng barko mula sa mga pantalan ng Tabaco, Pilar, Sorsogon, Matnog, Bulan, Masbate at Catanduanes ay na-stranded.

Aabot naman sa 416 pasahero ng mga pampasaherong bus ang stranded, samantalang aabot naman sa 107 pasahero ng trak at 13 katao na lulan ng maliliit na sasakyan ang nanatiling walang masakyan.

Inirekomenda na ni Civil Defense director Arnel Capili na isailalim ang Kabikulan sa state of calamity dahil sa bagyong "Dindo."

Pinaniniwalaan naman milyong halaga ng ari-arian at pananim ang napinsala sa walang humpay na buhos ng ulan sa buong lalawigan ng Bicol. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AABOT

ARNEL CAPILI

BICOL

BULAN

CATANDUANES

CIVIL DEFENSE

DINDO

ED CASULLA

GIGMOTO

INIREKOMENDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with