Sinabi ni P/Supt. Mario Soriano, hepe ng Cainta Police, bandang alas-9:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa kainitan na rin ng pagbibilang sa mga boto ng mga Board of Election Inspectors (BEIs).
Dahil dito ay mabilis na nagsilabas ng munisipyo ang mga BEIs, poll watchers at mga taong nagmamasid sa bilangan na sa sobrang taranta ay nagkasakitan pa sa pagtutulakan palabas ng gusali.
Wala namang naarestong suspek ang mga rumespondeng awtoridad at dahil sa pangyayari ay inilipat na lamang ang bilangan sa kapitolyo ng Pasig City.
Sa kasalukuyan ay medyo malaki na ang agwat ng dating broadcaster na si Mon Ilagan laban kay incumbent Mayor Nick Felix na naghari sa nasabing bayan sa loob ng maraming taon. (Ulat ni Edwin Balasa)