Comelec convoy sabog sa landmine

CAMP AGUINALDO – Apat na kawal ng Phil. Marines ang nasugatan kabilang na ang isang colonel makaraang sumabog ang landmine nang magulungan ng military vehicle na escort ng mga opisyal ng Comelec kahapon ng madaling-araw sa Panglima Estino, Luuk, Sulu.

Ayon kay Phil Navy spokesman Captain Geronimo Malabanan, kinilala ang nasugatang opisyal na si Col. Elmer Estopin, commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 10.

Kasalukuyan naman nilalapatan ang mga biktima na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkikilanlan.

Base sa ulat, bandang alas-4 ng madaling-araw, habang binabagtas ng convoy ng Comelec ang highway para magdala ng leaflets at election paraphernalias sa bayan ng Luuk ay aksidenteng magulungan nito ang nakatanim na landmine.

Wala naman iniulat na nasugatan sa panig ng Comelec na mangangasiwa sa halalan, maliban sa pagkasugat ng apat na kawal.

Pinaniniwalaan naman patibong ng grupong Abu Sayyaf ang landmine para guluhin ang eleksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments