Mister dinedo sa pagsaklolo

LEGAZPI CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang sumaklolo ang biktima habang ninanakawan ang sariling kapatid sa Barangay Cristo Rey, Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Emerlito Dimas, magsasaka, matapos na salubungin ng sunod-sunod na putok ng baril ng mga maninikwat habang patungo sa bahay ng kanyang kapatid na lalaki.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na matutulog na sana ang biktima nang makatanggap ng balita sa kanyang kapitbahay na hinoholdap ang sariling utol kaya sumaklolo, subalit sinalubong niya si Kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments