Lider ng JI nasakote sa Cotabato
May 7, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nalansag ng mga elemento ng Anti-Terrorism Task Force (ATTF) ang logistic cell ng International Terrorist na Jemaah Islamiyah sa Mindanao na pinaniniwalaang siyang pinagmumulan ng pondo sa paghahasik ng terorismo sa bansa matapos na maaresto ang top leader ng nasabing terrorist network sa Cotabato City.
Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, iniharap nina Defense Secretary Eduardo Ermita, PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. atbp. opisyal ang nasakoteng JI Finance Officer na si Jordan Manso Abdullah, 46, Filipino-Muslim, may alyas na Yusof at Joe at isang currency trader o foreign exchange operator na nakabase sa Cotabato City.
Ayon kay Ermita, natunton ng mga ahente ng ATTF at nasundan ang pinagdadaanan ng US25,000-remittance ng JI operatives sa bansa mula sa kanilang mother cell, ang international terrorist group na Al-Qaeda network ni Saudi billionaire Osama Bin Laden.
Nabatid na si Jordan ay nadakip ng mga awtoridad noon pang Abril 3 sa loob ng Shalom Café sa Makakua St., Cotabato City sa bisa ng pinalabas na warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Antonio Luboa ng General Santos Regional Trial Court GSRTC sa kasong complicity in case of multiple frustrated murder.
Sinabi pa ni Ermita na hindi kaagad nila inanunsiyo ang pagdakip sa suspect dahilan masusi pa nilang iniimbestigahan ang money trail o daloy ng pagpopondo ng JI terrorist sa pagsasagawa ng pambobomba sa ibat ibang bahagi ng bansa na ikinanta ni Jordan.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng kaukulang hakbang para ma-freeze ang pera ng kilusan na nakalagak sa mga banko partikular na ang natira sa $25,000. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended