P2.5-M alahas sa sanglaan nanakaw
May 5, 2004 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Umaabot sa P2.5 milyong ibat ibang uri ng alahas ang sinikwat ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pasukin ang pawnshop ng mag-asawang trader sa pamilihang bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni PO1 Erwin Laureles, naitala ang krimen dakong alas-5:30 ng madaling-araw habang ang mag-asawang Jimmy at Elmida ay nagbubukas ng kanilang pawnshop sa loob ng naturang palengke. Hindi naman nagawang makahingi ng saklolo sa mga security guard ang mag-asawa dahil sa takot na mapatay. Ayon sa ulat, ang mga armadong lalaki ay tumakas sakay ng dalawang motorsiklong walang plaka. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest















