^

Probinsiya

Brgy. chairman pinaslang

-
Camp Crame – Hindi sukat akalain ng isang barangay chairman na ang panonood niya ng amateur singing contest ang magiging mitsa ng kanyang buhay matapos na pagbabarilin sa ulo ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Pinamalayan, Oriental Mindoro kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Pinamalayan Doctors Hospital ang biktimang kinilalang si Brgy. Chairman Eufronio Almendraz ng Brgy. Mabuhay II sa bayan ng Socorro.

Sa ulat, alas-12 ng hatinggabi habang ang biktima, kasama ang kanyang pamilya ay masayang nanonood ng singing contest sa Municipal Park ng Brgy. Zone 111 sa bayan ng Pinamalayan nang lapitan at pagbabarilin sa ulo ng mga suspek. Agad namang nagsitakas ang mga suspek matapos ang krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Angie de la Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BRGY

CAMP CRAME

CHAIRMAN EUFRONIO ALMENDRAZ

CRUZ

MABUHAY

MUNICIPAL PARK

ORIENTAL MINDORO

PINAMALAYAN

PINAMALAYAN DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with