Killer ng PDEA agent itinumba
April 25, 2004 | 12:00am
CAVITE Isang 43-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagpatay sa tauhan ng PDEA at civilian asset noong Oktubre 30, 2003, ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan sa hangganan ng Datu Ismael at Barangay San Esteban kahapon. Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril si Luis Paredes makaraang paputukan habang sakay ng motorsiklo, kaangkas ang dalawang kaibigan dakong alas-6:30 ng gabi.
Natagpuan kay Paredes ang listahan ng mga pangalan ng kilalang drug pusher sa nabanggit na barangay. Napag-alaman sa pulisya na si Paredes ay itinuturong sumaksak at nakapatay kina: PO1 Maximo Javier at civilian asset na nakilala sa alyas na Abing habang nasa loob ng bahay nina Mura Sultan at Galif Batao na kapwa pinaniniwalaang drug pushers sa Brgy. Datu Ismael. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest