Nene ni-rape/slay ng preso

LAGUNA – Isang menor-de-edad na babae ang iniulat na hinalay bago pinatay ng isang preso makaraang utusan ng kanyang ama na maghatid ng sulat sa kaibigan sa Sitio Taytayin, Barangay Inawagan-sub, Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa.

Bandang alas-11 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Erlyn Garcia, 12, sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay na walang saplot sa katawan. Tinutugis naman ang suspek na si Prospero Sanidad, 25, binata, tubong Brgy. Station District, Rosales, Pangansinan at bilanggo sa Inawagan Colony sa nasabing lungsod. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, na nautusan ang biktima ng sariling ama na magdala ng sulat sa kanyang kaibigan at nang mamataan ng suspek ay hinarang ito saka kinaladkad sa naturang lugar at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments