^

Probinsiya

Police escort patay, 1 sugatan: Mga alalay ng 2 kandidato nagsagupa

-
CAMP AGUINALDO – Naging madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng magkalabang kampo ng mayoralty bet na ikinasawi ng isang pulis escort at ikinasugat naman ng isa noong Miyerkules ng hapon sa Indanan, Sulu, Jolo, ayon sa ulat.

Hindi naman agad natukoy ang pangalan ng nasawi, maging ang sugatan alalay ng kandidato makaraang magkabarilan sa harapan ng tindahan ang magkalabang kampo ng kandidato sa pagka-alkalde.

Base sa ulat, bandang alas-2:05 ng hapon nang makasagupa ng limang pulis na alalay ni Indanan Mayor Khan Isnaji, ang mga alalay naman ng kandidatong alkalde na si Mali Talib.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na lulan ng Tamaraw Fx ang limang pulis na alalay ni Mayor Isnaji at pagsapit sa harapan ng tindahan ay pinaputukan sila ng mga alalay naman ni Talib, kaya gumanti ng putok.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawang alalay ni Mayor Isnaji habang sa kabilang panig naman ay pinaniniwalaang may mga duguan din na alalay ni Talib.

Humupa lamang ang sagupaan makaraang rumesponde ang mga tauhan ng Phil. Marines na nakarinig ng sunud-sunod na putok. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALALAY

HUMUPA

INDANAN

INDANAN MAYOR KHAN ISNAJI

JOLO

JOY CANTOS

MALI TALIB

MAYOR ISNAJI

TALIB

TAMARAW FX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with