^

Probinsiya

3 ahente ng PDEA kinasuhan ng mayor ng Antipolo City

-
Pormal na nagsampa ng kasong administratibo kahapon si Antipolo City Mayor Angelito Gatlabayan laban sa tatlong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang takutin ng mga ito at tutukan ng baril ang siyam na tauhan ng mayor kamakailan sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Gatlabayan na personal siyang magtutungo sa Police Regional Office 4 (PRO 4) kasama ang kanyang abugado upang sampahan ng kaso ang tatlong PDEA agent na nakilalang sina PO3 Arnold Yu, PO2 Jeoremy Ojas at PO2 Rommel Baying.

Matatandaang noong Sabado ng madaling-araw ay hinarang ng tatlong ahente ng PDEA sakay ng kanilang L-300 van ang sasakyang kinalululanan ng siyam na tauhan ni Mayor Gatlabayan sa kahabaan ng Sumulong Hi-way Brgy. Sta. Cruz ng nasabing lungsod.

Pagkatapos ay sapilitan umanong pinababa ang mga tauhan ni mayor habang nakatutok ang mga baril, naagapan lang ang gulo ng rumesponde ang mga pulis na nagbabantay sa isang checkpoint di kalayuan sa insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTIPOLO CITY MAYOR ANGELITO GATLABAYAN

ARNOLD YU

BRGY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDWIN BALASA

JEOREMY OJAS

MAYOR GATLABAYAN

POLICE REGIONAL OFFICE

ROMMEL BAYING

SUMULONG HI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with