^

Probinsiya

Tulay pinasabog ng NPA rebels

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Patuloy na naghahasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang isa na naman tulay ang pinasabog sa Sitio Dao, Barangay Canares, Batuan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, naitala ang pagpapasabog dakong alas-7:30 ng gabi matapos na taniman ng dinamita ng mga rebelde.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya, na bago maganap ang insidente ay namataan ang tatlong hindi kilalang lalaki na may bitbit na bag na pinaniniwalaang pampasabog.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap nag pagpapasabog ng naturang tulay na nag-uugnay sa mga residente ng nabanggit na barangay patungo sa bayan ng Poblacion.

Base sa pulisya, patuloy pa rin nadadaanan ng mga residente ang tulay maliban sa mga sasakyan na posibleng bumigay. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY CANARES

BATUAN

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

MASBATE

NAPAG

NEW PEOPLE

PATULOY

SITIO DAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with