^

Probinsiya

NPA camp nakubkob ng militar

-
Camp Aguinaldo – Napasakamay ng tropang gobyerno ang isang malaking kampo ng New People’s Army (NPA) na hinihinalang ginagamit na ‘plenum’ sa pag-atake sa mga sundalo at sanayan sa mga menor de edad na recruits sa isinagawang operasyon sa Antiquera, Bohol, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni Army’s 3rd Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Gabriel Ledesma, dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ng mga sundalo ang nasabing kampo ng mga rebelde subali’t bago pa man ang mga ito makalapit sa lugar ay mabilis nang nakatakas ang mga kalaban.

Nabatid na kasalukuyang sinusuyod ng mga elemento ng Army’s 16th Special Forces Company (SFC) sa pamumuno ni 1st Lt. Marlon Salvador nang matisod ang nasabing kampo sa liblib at masukal na lugar sa Sitio Bacolod, Brgy. Canla-as, Antiquera, Bohol.

Natagpuan sa lugar ang ilang kubo na maaring pagkasyahan ng 20 hanggang 30 katao.

Magugunita na nito lamang huling bahagi ng Marso ay tatlong kampo ng mga rebeldeng NPA ang nakubkob ng militar na kinabibilangan ng Camp Libjo, Camp Abjog at Camp Andres, pawang sa kagubatan ng bayan ng Butuan ng lalawigan. (Joy Cantos)

ANTIQUERA

BOHOL

CAMP ABJOG

CAMP AGUINALDO

CAMP ANDRES

CAMP LIBJO

CHIEF MAJOR GEN

GABRIEL LEDESMA

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with