50 tindahan sa palengke naabo

NUEVA ECIJA – Aabot sa P10 milyon ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang lumang palengke sa Barangay Matias, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ng Talavera Bureau of Fire Protection, naitala ang sunog dakong alas-5 ng hapon na naging dahilan para matupok ang 50 tindahan sa loob ng palengke. Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan matapos na rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa iba’t ibang bayan. Hindi naman nakapagbigay ng detalye ang mga awtoridad kung saan nagsimula ang apoy na tumupok sa lumang palengke. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments