Bus binato, pasahero patay
April 16, 2004 | 12:00am
GUMACA, QUEZON Isang lalaking pasahero ng bus na galing sa Bicol Region ang namatay makaraang tamaan sa ulo ng bato na inihagis ng di-nakilalang lalaki habang binabagtas ang kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Villa Padua ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Nelson Lequin, chief of police sa bayang ito ang biktima na si Felipe Encinas, 34, may-asawa ng Vinsona, Camarines Norte.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay sakay ng bus (DVT-224) na pag-aari ng MGP Transportation na galing sa Camarines Norte at patungo sa Metro Manila.
Habang binabagtas ng bus ang nasabing highway ay isang malakas na lagabog ang narinig ng driver sa dakong hulihan ng sasakyan at nang ihinto ang bus at buksan ang ilaw ay nakita nilang duguan ang ulo ng biktima.
Mabilis na dinala sa Gumaca District Hospital ang biktima, subalit kinalaunan ay inilipat sa East Avenue Medical Center at doon na rin ito nalagutan ng hininga.
Isang malaking tipak ng bato ang natagpuan ng mga imbestigador sa loob ng bus na pinaniniwalaang inihagis ng di nakilalang lalaki. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 49 minutes ago
By Christian Ryan Sta. Ana | 49 minutes ago
By Ed Amoroso | 49 minutes ago
Recommended