Ex-chairman pinatay ng 3 brgy. official
April 16, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Isang dating barangay chairman ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga opisyal ng barangay dahil sa mainitang pagtatalo sa Barangay Buenavista, Ibajay, Aklan kamakalawa.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Ibajay District Hospital ang biktimang si Fely Masula, 47, ng Barangay Buenavista, Ibajay, Aklan.
Hindi naman nabatid sa ulat kung nadakip ang mga suspek na sina: Barangay chairman Jolly Magluyan, Zaldy Tanuan at Fely Oga-ob na kapwa barangay tanod ng nabanggit na barangay.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, naitala ang krimen dakong alas-6 ng gabi matapos na magtalo ang biktima at tatlong suspek.
Ayon pa sa ulat, labis na nainsulto ang mga suspek sa tinuran ng biktima na higit na maganda ang sistema sa barangay sa ilalim ng kanyang termino kumpara sa panahon ni Magluyan.
Dito na nagsimulang magkasagutan na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa mapatay ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest