NPA vs AFP: 2 kawal todas

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang kawal ng 65th Infantry Battalion ng Philippine Army ang napatay sa pakikipagbarilan laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa liblib na bahagi ng Sitio Suba, Barangay kiromero, San Pascual, Masbate kahapon. Nakilala ang dalawang kawal na nasawi na sina: S/Sgt. Welfredo Lumbao at Pvt. Jaime Paraiso habang hindi naman nabatid ang bilang ng nasugatan sa panig ng mga rebelde. Base sa ulat na nakarating kahapon kay P/Chief Supt. Jaime Lasar, provincial police director, naitala ang sagupaan dakong alas-12 ng tanghali habang sinusuyod ng tropa ng militar ang nasabing kagubatan. Agad naman nagsitakas ang mga rebelde patungo sa kabundukang sakop ng Barangay Mabini. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments