Trader dinedo sa inuman ng alak

LINGAYEN, Pangasinan – Isang 34-anyos na negosyanteng lalaki ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang maskaradong lalaki habang ang biktima ay nakikipag-inuman ng alak sa Barangay Puelay, Villasis noong Sabado ng gabi. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Victor Venson matapos na upakan sa loob ng sariling compound kasama ang kanyang pinsan na si Jerry Aquino na hindi naman nakapalag dahil sa bilis ng mga pangyayari. Agad namang tumakas ang hindi kilalang gunman sa hindi nabatid na direksyon. Sinikap naman isugod ang biktima sa Polymedic Hospital para maisalba, subalit idineklarang patay. Wala pang malinaw na motibong lumilitaw sa pamamaslang sa biktima, subalit sinisilip kung may kaugnayan sa negosyo ng biktima ang krimen. (Ulat ni Cesar S. Ramirez)

Show comments