Pulis,bata todas sa holdaper
April 11, 2004 | 12:00am
Binangonan, Rizal Dalawa katao na kinabibilangan ng isang pulis at isang 12 anyos na batang lalaki ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga holdaper sa Brgy. Libis ng bayang ito kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina PO2 Alvin Millares, 31, nakatalaga sa Binangonan Police, dead-on-the spot sa insidente sa tinamong limang tama ng baril sa ulot katawan at ang batang si John Rick Ramos, 12 na nagtamo naman ng isang tama ng bala sa leeg na binawian ng buhay habang ginagamot sa Angono General Hospital.
Patuloy namang ginagamot sa nasabi ring pagamutan ang nasugatang biktima na si Gilbert San Agustin, 27, na nagtamo ng isang tama ng bala sa balikat.
Batay sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi nang holdapin ng mga armadong suspek na pawang armado ng baril ang isang traysikel na kinalululanan ng dalawang babae sa panulukan ng J. P. Rizal at Valencia St., Brgy. Libis ng bayang ito.
Matapos na holdapin ay agad ang mga itong humingi ng tulong kay PO2 Millares na nagkataong nasa lugar na nakipagpalitan ng putok sa tumatakas na mga holdaper subalit sa kamalasan ay napuruhan sa insidente habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang sibilyan.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 minutes ago
By Cristina Timbang | 15 minutes ago
By Tony Sandoval | 15 minutes ago
Recommended