^

Probinsiya

Abu Sayyaf demoralisado sa pagkamatay ni Commander Salih

-
Camp Aguinaldo – Demoralisado na at paliit ng paliit ang mundo ng nalalabi pang puwersa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na mapaslang ang kanilang Commander na si Hamsirajih Salih at lima pa nitong tauhan sa isang engkuwentro sa tropa ng mga sundalo sa Isabela City, Basilan noong Huwebes Santo.

Ayon kay AFP -Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, puspusan ngayon ang isinasagawang pagtugis ng militar sa tatlo pang lider ng ASG na wanted sa US government na may tig $ 1 M reward bawat isa maliban pa sa tig P5M na inilaan naman ng pamahalaan kapalit ng kanilang ikadarakip.

Kinilala ang mga pinaghahanap pang ASG leaders na sa pangunguna ng kanilang pinunong si Khadaffy Janjalani, Commanders Isnilon Hapilon at Abu Solaiman, pawang wanted sa kasong murder at gayundin sa serye ng kidnap-for-ransom (KFR) partikular na ang pagdukot sa 20 katao sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001.

Tiwala si Kyamko na sa pagkakapatay sa engkuwentro ng mga elemento ng Army’s 1st Scout Ranger Company (SRC) kay Salih at sa lima pa nitong tauhan ay hindi na magtatagal at susunod ng mabibitag ng militar sina Janjalani, Hapilon at Solaiman.

Magugunita na si Salih at lima nitong tauhan ay napaslang habang dalawa namang sundalo ang nasugatan matapos ang umaatikabong bakbakan sa bisinidad ng Kumalarang at Makiri area, Isabela City, Basilan noong Huwebes Santo. Sa nasabing engkuwentro ay nakarekober ang militar ng dalawang M 203 grenade launchers at tatlong M16 rifles. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

BASILAN

CAMP AGUINALDO

COMMANDERS ISNILON HAPILON

DOS PALMAS BEACH RESORT

HAMSIRAJIH SALIH

HUWEBES SANTO

ISABELA CITY

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with