P1-M kargamento hinaydyak sa Bulacan
April 5, 2004 | 12:00am
BULACAN Tinatayang aabot sa P1 milyong kargamento na lulan ng trak ang iniulat na hinaydyak ng pitong hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Tarcan, Baliuag, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang lulan nang hinaydyak na trak (FXY-549) ay sina: Doena Eran, 32, drayber; Miguel Cordeta, 26; Felipe Federiche, 30; at Sotico Ledesma, 21 na pawang residente ng 131 Banay-banay, Cabuyao, Laguna.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw matapos na harangin ang trak ng mga armadong kalalakihang sakay ng Mitsubishi L300 van na walang plaka.
Napag-alaman pa sa ulat, na nagmula ang trak sa bayan ng Cabuyao, Laguna at ihahatid sana ang mga kargamentong sabon at kosmetik sa bayan ng Santiago, Isabela nang harangin ng mga hijacker.
Ayon pa sa pulisya, ang mga biktima ay ibinaba sa bahagi ng Barangay Paliqui, Candaba, Pampanga kaya nakahinggi ng tulong sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest