Mister pinugutan ng ulo
April 4, 2004 | 12:00am
Camp Simeon Ola Masaklap ang naging kamatayan ng isang 34 anyos na mister makaraang pugutan ng ulo ng kaniyang itinuturing na mortal na kaaway nang matiyempuhang dumadalo sa selebrasyon ng graduation ng kaniyang pamangkin sa Domingo St., Brgy. Pating, Masbate City kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Jolly Broil, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sawmill Mobo, Masbate habang ang suspek na sumuko sa mga awtoridad ay kinilala namang si Jessie Nava, 29 anyos at kapitbahay ng biktima.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga habang ang biktima ay patungo sa tahanan ng kanyang pamangkin sa nasabing lugar na nooy nagdaraos ng salu-salo matapos grumadweyt sa pag-aaral nang makasalubong ang lasing na suspek.
Bigla na lamang umanong nagtatakbo sa loob ng kanilang tahanan ang suspek at paglabas ay pinagtataga ang nabiglang biktima na napuruhan sa leeg at tumalbog ang naputol na ulo.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang dalawa ay may matagal ng alitan na siyang nagbunsod sa krimen.
Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa Masbate City Jail ang suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest