Base sa ulat ni Capt. Gulliver Señires, 303rd Infantry Brigade spokeman, kasalukuyang mangangampanya sana sina: Councilor Humphrey Hechanova at kandidatong konsehal na si Toti Muchuelas sa nabanggit na barangay nang harangin sila ng 15 NPA rebels.
Ayon pa sa ulat ng militar, na walang naipakitang katunayang nagbayad ng campaign permits sa grupo ng mga rebelde kaya kinuha ang kanilang cellular phones, bago ipinagtabuyan papalabas ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman pa na si Hechanova ay ikinakampanya ang asawang si Marlin habang si Muchuelas naman ay kandidato sa pagka-konsehal.
Sinabi naman ni Police Inspector Virgilio de la Cruz, chief of police sa bayan ng Moises Padilla, na ang insidente ay hindi ipinagbigay-alam ng dalawa sa kinauukulan.
May teorya naman si Dela Cruz, na ang mga rebeldeng nagtaboy sa dalawang biktima mula sa pangangampanya, ay suspek sa paglikida kay Salvador Largado, charcoal maker sa nabanggit na barangay noong Marso 9, 2004 sa pag-aakalang tiktik ng militar. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)