Tauhan ng kandidato tinodas

CAMP CRAME –Tinadtad ng bala ng baril hanggang sa tumumba ang isang tauhan ng mayoralty candidate ng mga armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagpapahangin sa beranda ng bahay ng pamilya Sumarago sa bisinidad ng Calubihan na sakop ng Barangay Culabay, Tabina, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ruby Monte Grande Sumarago, samantalang sugatan naman si Marte Dabal na ngayon ay ginagamot sa Pagadian City Medical Center. Ayon sa pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi, nang matiyempuhan ang biktima sa naturang lugar at pinaniniwalaang may kaugnayan sa pulitika ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments