Convoy ni Congw. Sato inambush
April 2, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Sa ikalawang pagkakataon ay nakaligtas sa pagtatangka sa kanyang buhay si Occidental Mindoro Josephine Ramirez-Sato makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy nito habang bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Brgy. Malisbong, Sablayan, Occidental Mindoro kahapo ng umaga.
Ayon kay AFP-Public Information Office Lt. Col. Daniel Lucero, naitala ang pananambang sa grupo ni Ramirez-Sato dakong alas-2:30 ng hapon nitong Huwebes.
Si Sato ay kumakandidatong gobernador sa nasabing lalawigan na ngayoy mainit na target ng "liquidation plot". Wala namang naiulat na nasugatan sa grupo ni Sato sa nangyaring ambush.
Ayon kay 204th Infantry Brigade Commander Col. Fernando Mesa, ang grupo ni Sato ay patungo sa bayan ng San Jose nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.
Mabilis namang nagsiatras ang mga armadong kalalakihan matapos na sagupain ang mga ito ng mga elemento ng Phil. Army at Philippine National Police (PNP) na nagresponde sa narinig na putukan.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang mainit na labanan sa pulitika sa gitna ng ikalawang pagtatangka sa buhay ng Kongresista.
Magugunita na nitong nakalipas na Marso 3 ay tinambangan na rin ng mga armadong kalalakihan ang convoy ni Sato na ikinasugat ng opisyal kasama si Provincial Board Randy Ignacio at tatlong security escorts na sina SPO1 Vic Sagun, PO1 Larry Hilario at PO1 Niel Layona. Inako ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang unang ambush kay Sato. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 58 minutes ago
By Cristina Timbang | 58 minutes ago
By Tony Sandoval | 58 minutes ago
Recommended