^

Probinsiya

8 miyembro ng liquidation squad arestado

-
RODRIGUEZ, Rizal – Naaresto ng pulisya ang walong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng liquidation squad syndicate na nag-o-operate sa nasabing bayan na target ay mga pulitikong kumakandidato sa eleksyon sa Barangay Geronimo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Dominador Penid, hepe ng Rodriguez police ang isa sa mga suspek na si Jimmy Manuel, 41, ng J. Ramos St. Brgy. Geronimo ng bayang ito, miyembro ng kilabot na Pundato Robbery Gang at nag-o-organisa ng upahang grupo para pumatay ng mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksyon.

Bukod kay Manuel, naaresto rin ang pito pang mga suspek na nakilalang sina Romeo Betiz, 29; Marvin Rodriguez, 29; Alvin Arci, 25; Jobert Oliver, 21; Raul Cortez, 31; Danilo Raga, 44 at Marlon Doktor, 24, pawang mga residente ng nasabing bayan.

Base sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga armadong grupo na umaaligid sa kahabaan ng J. Ramos St. Brgy. Geronimo ng nasabing bayan.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa pangunguna ni Penid at tinungo ang nasabing lugar, nang makita naman ng mga suspek ang mga pulis ay agad na nagtakbuhan papasok ng bahay ni Manuel, subalit agad na pinalibutan ng pulisya ang nasabing bahay kaya napilitang sumuko ang grupo ni Manuel.

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang klase ng baril, mga bala nito at iba’t ibang klase ng patalim. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ALVIN ARCI

BARANGAY GERONIMO

DANILO RAGA

DOMINADOR PENID

EDWIN BALASA

GERONIMO

JIMMY MANUEL

MANUEL

RAMOS ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with